Header Ads Widget

Responsive Advertisement

News

6/recent/ticker-posts

Voice Master, Pocholo Gonzales on Spotlight



 Host: Alam nyo mga kasambahay, eto this is one of my dream jobs. I’ve always wanted to be a DJ since bata pa ako because pag naririnig ko yung boses nila sa radio para bang ang sarap pakinggan. Maging babae, maging lalaki parang iba talaga it’s very malamig sa tenga. And then well how many years down the line, natuto narin ako naging news anchor ako. Pero minsan iniisip ko parin what if I’m in the job with my dream job. And I was lucky enough in this episode of Spotlight, nakilala ko ang isang voice master. Tinatawag sya na voice master because ang galling nyang gamitin ang boses nya, hindi lang sa pagsasalita pero also he is an incredible trainer who trains many people to use their voice to in a telenovelas, in animes. And with this interview I realized it’s not just about having a nice voice, it’s about decipline, it’s about precision, it’s about knowing how to use it. Hindi lang maganda pero kailangan marunong mo ring gamitin yung maganda mong boses. And in this interview we’ll show how a young man only age 36 has achieve so much and more importantly he was able to win the heart of his childhood crush right here on Spotlight.

Sir Pocholo: Hi ako pala si Pocholo “The Voice Master” Gonzales.

Host: Pocholo Gonzales tubong San Carlos, Mariveles, Bataan. Kinikilala bilang voice master dahil sya ang nagtayo ng kauna-unahang voice acting school sa Pilipinas kung saan ang mga bagong voice artists ngayon ay dumaan sa pagtuturo nya. Bata pa lang ay nakita na nya na ito ang magiging career nya.

Sir Pocholo: Habang lumalaki ako wala kaming TV so ang tanging means of entertainment ko ay ang radio. Nung bata ako lagi kong napapakinggan yung isang drama bago ako matulog alas-otso ng gabi natutulog na kami yung radio drama na gabi ng lagim. So naririnig ko yung gabi ng lagim, unknowingly ginagaya ko yung naririnig ko kasi wala naman kaming TV so naiimagine ko. Ginagaya ko tong ganito “ Isang gabi ng lagim, awooo. Si utoy at si lolo Tasyo ay naligaw sa kagubatan. Boses ng Bata: Lolo tasyo pasensya na po kayo kasi ang sarap maglaro sa puno. Boses ng matanda: Ay nako apo yan kasi laro ka ng laro ayan tuliy ginabi tayo. Bata: Lolo ano nangyayare may monster. Boses ng monster: hahaha. Anong ginagawa nyo. Matanda: hay naku apo wag ka mag alala ako si kapitan kangkong. Kapitan kangkong. Kapitan kangkong: Humanda ka sakin puno ako si kapitan kangkong. Ito ang bagay sayo. Ayan patay na ang puno.” Ayan, ganun yung mga naririnig ko. Tuwang tuwa ako sa naririnig kong yun at hindi ko alam nagagaya ko yung naririnig ko.

Host: Sa edad na labing lima ay nakapag tapos na sya ng high school at nakapasa sya sa UP Diliman. Duon ay kumuha sya ng kursong Speech Communication kung saan ang mga kaklase nya ay puro mga babae.

Sir Pocholo: Duon narealized ko na wow okay to parang I am different, I’m the only torn among all the roses so ggss ako nun gandang ganda sa sarili parang gwapong gwapong sa sarili dahil nag-iisa ka lang na lalake. First year nag audition ako sa isang voice acting competition and by second year nakapasok na ako. Kumbaga out of 10,000 na pumila nuon isa ako sa mga nag champion at talagang duon nagsimula ang aking career at age of 16 bilang isang broadcaster, voice artist at dubber. Ang role nya kasi a-acting ka lang e yung mga kalaban ko isang boses lang ako gumawa ng sampung boses. Pinag-usap usap ko yung mga character eh natuwa naman yung mga hurado. Duon nagsimula nagkaroon ako ng sariling programa na kung saan ako yung naging leader ng grupo naming. Nakita ko kasi yung potential na pwede palang bigyan ng boses ang kabataan sa pamamagitan ng radio. As you know yung radio kasi parang sinasabi na ang radio daw lalo na ang AM station ay pang matanda. Sa kauna unahang pagkakataon nagkaroon ng programa para sa mga bata at kabataan. At ako nag direk nun, ako nagsulat, isa ako sa mga nag broadcast kasama ko dun ang isa mga pinaka magaling na broadcaster sa Pilipinas nung mga panahon nay un, si Joey Galvez, isa sa mga mento ko si Mae Valle na ngayon ay isang broadcaster din. At syempre dun ko rin nakasama si kuya Daniel Razon na kung saan sya yung kauna unahang tao na nakita ko na nag gawa ng tele radio. Alas kwatro ng madaling araw nagse-set up sila dun tapos bo-broadcast ieere sa ABS yata yung programa nya kasabay na nagbo-broadcast sa radio. Actually si Daniel Razon talaga ang original na teleradyo sa Pilipinas. Yun ay mapapatunayan ko dahil ako yung buhay na saksi nung mga panahon nay un ako ay labing walong taong gulang pa lang.

Host: He was pull down on his first try, but he never let it stop him from reaching the top.

Sir Pocholo: Hindi ko makakalimutan yung unang una kong dubbing na parang pinatikim lang sakin, kumbaga parang ice cream na pinadila at nung gusto mon a ayaw ng bigyan. Yun bang tipong, “ osige nga try mo” yung isang man 1 lang tapos biglang sabi “ ay hindi bagay  sayo, hindi ka pwedeng
maging voice dubber o voice artist”. Tumatak sa isip ko yun “a ganun” na alam ko sa sarili kong mahusay ako at alam ko sa sarili ko na kaya ko so mas pinagbuti ko talaga yun. Alam mo yung masakit pero naging dahilan yun upang maging kung sino ako ngayon. Na challenge ako at naniniwala ako, lahat ng mga great people nasasaktan yan kaya sila nagiging great. Kasi wala silang dahilan para ipaglaban o baguhin ang isang bagay kung hindi sila nasaktan. So isa yun sa mga naging dahilan ko at pinag papasalamat ko sa taong yun yung ginawa nya sakin dahil hanggang ngayon yun parin yung nagiging dahilan ko upang ipag patuloy at tulungan ang mga makabago at mga aspiring na mga voice artist para mapasok ang industriyang ito. Ang mantra ko kasi sa buhay ay to make people better and happy. If I don’t make people better then I will not do it. If I will not make people happy then I will not do it, ganun lang. kasi if I make people better then I’m the best and if I make people happy then I’m happier. So habang nag-aaral ako may mga interview na sakin, I mean ini-invite na sakin mag voice acting o gumawa ng mga radio add, TV add. Pumasok narin ako sa Batibot, ako yung taga boses sa Batibot. Ang dubbing ang pinakamadaling form of voice acting kasi cant na sya, kumbaga sukat na sukat na kasi yun unlike pag original na voice ikaw mismo yung gagawa like radio drama, pag-aaralan mo pa kung ano yung atake mo kasi hindi mo pa sya napapanuod. Kasi sa cartoons animated din yung boses mo.

Host: Taong 2005 ng itinayo nya ang Philippines Center for Voice Acting under the Creativoices Productions. Dito nya tinuruan ang mga aspiring voice actors. Ang goal nya ay gawing center of voice over excellency in Asia ang Pilipinas .Dahil sa kanyang pinakitang kahusayan sa kanyang piniling karera, marami syang natanggap na mga recognition mula sa iba’t ibang organisasyon subalit may isang award na higit nyang pinahahalagahan.

Sir Pocholo: Inawardan ako ng mga tao ko na under ng Voice of the Youth Network ng award na kumbaga pasasalamat dahil sa ginawa ko sa kanila nabago ko yung buhay nila at biniyan nila ko ng award dahil dun.

Host: Pocholo is indeed a visionary. He had proven it not just by fulfilling his dream career but also by winning the heart of his childhood crush        .

Sir Pocholo: Nung grade 4 kasi ako merong naging prinsisito prinsisita. Ako yung prinsipe, may prinsisita nag ganda ganda nya, alam mo ung bata pa ko 10 years old nagkaka crush na ko grabe. Sabi ko dun sa crush ko kelangan may short term at long term goal ako. Yung short term goal ko e maging kaibigan sya at ang long term goal ko maging asawa sya. So after 15 years that girl na nakilala ko nung grade 4, ako nung 10 years old ako became my wife. Yung anak namin ang pangalan ay si Patrick Gabriel Gonzales sya ang pinaka batang broadcaster sa Pilipinas, at age of 8 nagbo-broadcast na sya, may sarili syang radio show na ang title ay voice of the children radio show. Ang goal nya naman is to give a children voice sa issues na nakakaapekto sa kanila at para ma inform, inspire, involve at para ma-impower ang mga batang Pilipino. Kasi ang ginagawa ko sinasama ko sya lagi sa mga ginagawa ko so nae-expose sya, so one day sabi nya sakin “Dad I want to have my own radio show”. Natutuwa rin ako kasi ang laakas na ng loob nung bata, bata pa lang e nabibigyan na sya ng opportunity. Kasi at the end of the day, ang tao naman magaling naman sa maraming bagay ang problema lang nahihiya lang sila na ipakita yung galling nila. So pag nauna at nauna yung hiya kahit anong talino o galing mo hindi mo ma- express yung sarili mo.  I want to be remembered as simply the Voice Master. Cause I know I have became the voice of the youth through my radio show and also I have created thousands of voice over artist and I became the man behind a thousand voices. I always believe everyone has a candle but a lot of people their candles are not lighten, and if you have the torch, you have the flame, you have the light share to one person and that person should share it to other people. Na hindi lang ikaw ang nag go-glow, hindi lang ikaw ang nag sha-shine and one day eventually everyone will shine. And as the spark and at the beginning of that light you will shine more and you will become brighter.

Post a Comment

0 Comments