Header Ads Widget

Responsive Advertisement

News

6/recent/ticker-posts

TV 5 News Golden Voice with Pocholo Gonzales (July 17 2010)




News Anchor: Mula ng mauso ang mga tagalized cartoons at mga Koreans at Mexicans Telenovelas humataw naman ang mga career ng mga pinoy voice talents, sikat naman ang kanilang mga boses hindi naman basta basta ang mga hirap na pinagdadanan nila sa likod ng mikropono. 
May report si Ryan Ang.

Noel Magat: Auto Pause, Transform and Roll out.

Reporter: Sila ang ilan sa mga mukha sa likod ng ilan sa mga paborito nating mga TV cartoons at Telenovela, hindi man sila mga artista ang kanilang mga boses pangbato pang aksyon man, comedy o drama. Si Pocholo Gonzales, VoiceMaster kung tawagin dahil sa dami ng boses na kaya niyang gayahin.

Reporter: Hindi man siya biniyayaan ng boses na gaya ng kay Martin Nievera, nagpapasalamat parin siya dahil dito siya kumikita, pero payo ni Pocholo hindi lahat nadadaan sa lahat ng boses, sa bawat bitaw daw ng linya TV man o radio dapat nagmumula sa puso.

Sir Pocholo: Para sa akin ang dubbing ay isang uri ng sining, parang isang painter yan magpapaint yan kahit di mo bayaran kase expression yan ng kanyang passion ng kanyang artistry.

Reporter: Kumikita sila ng P400 to P800 kada episode at nakaka apat sila sa loob lamang ng  lima hanggang walong oras  na recording, mas maraming project mas maganda. Pero ayon kay Noel Magat kahit na may kalakihan sa pagiging isang voice hindi parin to dapat asan dahil madalas ito ay seasonal lamang.

Noel Magat: Minsan merong panahon na sabay-sabay yan hindi mo alam kung sino uunahin mo, meron naman panahon na talagang wala, iba parin yung meron kang regular na trabaho.

Reporter: Boses lamang ang kanilang puhunan pero napakarami napapasaya nito, kaya sa mga nagnanais  maging voice artist magtyaga lang kayo sa pagpapraktis siguradong magtatagumpay rin kayo katulad nila. Ryan ang News 5




Post a Comment

0 Comments