Header Ads Widget

Responsive Advertisement

News

6/recent/ticker-posts

Pocholo Gonzales on MMDA on the Road (June 10, 2014)



Paano ba ma-mamaximize ang effort na mga kabataan na hayagang nag pro-promote ng social change? Ang mga katanungang ito ang nagtulak sa isip ni Ginoong Pocholo Gonzales, isang youth Advocate at founder ng Voice of the Youth Network, isang oraginisasyon ng mga kabataang naglalayong bigyan ng tinig ang mga kabataang Pilipino. Nakita niya ang napakalaking contribusyon ng mga kabtaang ito sa pamamamagitan ng active participation.

(Inspirasyon para gawin ang proyekto)

Sir Pocholo: Ang naging inspirasyon ko ay ang aking sarili kase nung ako ay bata napansin ko na hindi lahat ng opportunity ay para sa lahat, ilang tao lang yung nabibigyan ng opportunity na maksali sa iba’t ibang mga youth affairs, so ang ginawa ko nagtayo ako ng sarili kong Youth Organization para bigyan ng pansin ang mga kabataang hindi napapansin, kase maraming mga kabataang na may talent na hindi nabibigyan ng opporunidad para maexpress nila ung kanilang talent,interest at saka ung mga ideas nila.

Ang VOTY NETWORK o www.voty.org ay isang internet based network, na pinatatakbo ng mga kabataang Pinoy na naglalayong mapaunlad ang leadership, youth participation at development, sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya.

Binubuo ito ng mahigit isang daang libong myembro, mula sa iba’t ibang lugar ng bansa. Ayon kay Pocholo, o Choy kung tawagin “naniniwala siya na ang mga kabataan ay hindi mga apathetic o walang pakialam, hindi lang nila alam kung ano ang kanilang dapat gawin at walang nagtuturo sa kanila kung ano ang mga oportunidad na naghihintay lamang sa kanila. Ang mga kabataan ay may kanya kanyang kakayahan, at potensyal na kailangang hubugin at bigyan ng lugar para maexpress nila ang talentong kanilang nalalaman at kanilang nararamdaman”.

Taong 1996 nag-aral siya ng Speech Communication sa University of the Philippines Diliman at nagging pinakabatang broadcaster kasama ang mga beteranong broadcaster na sina Joey Galves at Tiya Dely Magpayo sa programang awit tawanan at Sino SIngko?. Naging reporter din siya at Voice Artist ng iba’t ibang network.

Taong 2004 ng makilala niya sina Enzi Reyes at Lionel Gonzaga mula noon nagging kongkreto ang tinatahak na VOTY Network dahil sa 2 batang leader na ito. Nagsimula ang kauna unahang radio show ng VOTY ang “Lakas kabataan, tinig kabataan” na ngayo’y nasa ikaw 4 na taon na rin ere, nasundan ito ng Voice of the Youth TV, isang youth oriented program na pinalalabas sa global news network.

(Saan kumukuha ng pondo?)

Sir Pocholo: Lahat yan sa akin nanggagaling wala kong hinihingi ng pondo maliban sa sarili ko, may sarili akse akong kumpanya ung CreatiVoices, isa siyang Voice Talent agency at recording studio, so sa pamamagitan noon syempre interest ko ung makatulong and maging part ng sa pagtulong sa ating bansa, yun tinayo kong creative ah, ung voice of the youth network, so bale siya ay pinapatakbo ng voluntarism dahil nga sa wala kaming pondo so gumagawa ako ng isang sitwasyon na kung saan maraming mga kabataan ang interesado dun sa sitwasyon nayun at dahil nga sa voluntarismo ginagawa nila ang isang bagay na kahit hindi sila binabayaran, so lahat yan mahigit isang daang libo na ang  nagging myembro namin sa buong pilipinas, sa pamamagitan ng internet eh naiinvolve at binibigyan namin sila ng mga pagkakataon na kung paano ung mga gagawin pinapaalam naming kung ano ung mga pwede nilang mga gawin bilang mga kabataan pagdating sa environment, sa human rights, o sa poverty, sa youth participation at marami pang iba.

Dahil sa mga gawing ito sa kapwa kataan simula 2003, iba’t iabng parangal na ang kanyang tinaggap sa mulas sa iba’t ibang foundation sa buong mundo. Naging kinatawan din siya sa iba’t ibang deligasyon na dinaluhan naman ng napakaraming kabataan mula sa bawat sulok ng mundo.

Hindi na nga mapigilan ang passion ni Choy sa paglilingkod sa mga kabataan kung kaya’t nagging isa siya sa mga Technical Assistant ng Youth Affairs Office sa Malacañang noong 2004, dahil dito nalibot niya ang buong pilipinas upang ipalaganap ang prinsipyo ng Voice of the Youth Network.

(Payo at Paalala sa mga Kabataan)

Sir Pocholo: Minan lang tayo maging kabataan isa itong Gift o isang regalo na balang araw na darating ang panahon babawiin sa inyo yan, so habang nasa inyo ang regalong yan i-maximize ninyo, dahil pag hindi niyo ginamit ng mahusay at mabuti pag binawi yan baka pagsisihan niyo balang araw, kase kung ano ang ginagawa mo ng kabataan ka yun ang magiging reflection mo pagdating mo ng pagnagka edad kana o pag tumanda ka. So habang bata aka nasa edad kang kinde hanggang trenta, gawin mo lahat ng kakayahan mo number ONE,kung anong interest mo yun ang gawin mo, wag kalang ah sumunod sa agos ng kung ano anong mang ah mga  like sa kurso diba? Kung lahat uso nurse, mag nu-nurse ka kahit di mo interest kelangan gawin mo ung passion mo kase kapag ginawa mo yan dun ka magtatagumpay.

Kabataan nga ang tunay na pag-asa ng bayan, ngunit ang mga kabatanag ito ay hindi makakakilos kung wala ang tamang pag-gagabay at masasandalan. Pocholo “Choy” Gonzales, punong puno ng pag-asa, punong puno ng inspirasyon “ISA KANG HUWARAN”.


Post a Comment

0 Comments