Header Ads Widget

Responsive Advertisement

News

6/recent/ticker-posts

Piliin Mo Lang Ang Mga Sitwasyon Na Dapat Kang Mag-React



1



Oo, sinaktan ka nila pero hindi ka mo dapat na saktan din sila. Isipin mo na meron kang maturity umalis at tumahimik na lang kaysa gantihan sila.

Isipin mo na sa bawat beses mag-rereact ka, di ba nakakapagod? Kung araw-araw mo yan gagawin, hindi mo na makikita ang ibang magagandang bagay at blessings mo sa buhay. 
Tanggapin mo na hindi lahat ng tao ay gusto at irerespeto ka. Hindi mo naman din kailangan maging people pleaser at okay lang yun. Mas nakakapagod na intindihin mo pa ang bawat opinyon nila. 

Minsan pa nga, mas mabuting hindi mo na lang sila talaga pansinin. Think that you’re the better person kasi alam mo nagagawa lang nila ang di mabuting bagay dahil frustrated sila. Tingnan mo na lang na mga lessons sa buhay ang ginagawa nila laban sa’yo. Baka marami ka kasing nagagawa na hindi nila kaya. Kung baga, nirereflect lang nila ang inggit sa mga na-achieve mo na.

Mas mabuting may peace of mind ka at malinis ang konsensya mo kaysa sagutin o gantihan mo pa sila. Kasi naman, hahaba pa ang kwento o diskusyon. Di mo na dapat pakisamahan ang mga taong puro na lang negative ang iniisip tungkol sa’yo o mga nagbabait-baitan lang kasi may kailangan sayo. Hindi na dapat makipag-away pa at bumaba sa level nila. 

May mga taong mas mabuting ang hindi mo na lang pagkibo o pagpansin ang tamang paraan ng pagtrato sa kanila. Let your silence and success be the answer, sabi nga nila.

Tandaan mo na lahat ng taong naiinis ka ay binibigyan mo pa ng kontrol sa mga emosyon mo. Bakit kamo? Aba kasi naman naapektuhan ka pa sa ginagawa o sinasabi nila sa’yo. Kapag indifferent ka na o wala ka nang pakialam sa kanila, hindi ka na rin basta-basta maiinis kahit ano pang marinig mo mula sa kanila.

At kung tutuusin, may magbabago ba kapag sinagot o pinatulan mo pa sila? Lalo ka lang masstress at maiinis. Lalo lang silang matutuwang inisin ka kasi nakuha nila ang atensyon mo. Kaya ibigay mo kung anong ayaw nila: wag mong pansinin hanggang mapagod sila.

Sa totoo lang, parte ng buhay talaga ang ganyang mga challenges kagaya ng disappointments at rejections ng ibang tao. Tanggapin mo na lang na kasama yun para lalo ka pang lumakas. Kasi, kung hindi ka masasaktan, hindi ka mo naman pipiliin lumayo sa kanila at palakasin ang loob mo di ba? 

Tingnan mo ang mga nangyari bilang blessings in disguise. Isipin mo na hindi ka naman talaga na-reject ng mga taong may ayaw sa’yo...ikaw ay na-redirect papunta sa mga tao at mga opportunities na makakabuti sa’yo. Kaya, unti-unti mo nang simulan ngayon na piliin lang ang mga tao at sitwasyon na bibigyan mo ng pansin.

Post a Comment

0 Comments