Header Ads Widget

Responsive Advertisement

News

6/recent/ticker-posts

Mr. Pocholo Gonzales and Mr. Bryan Ligsay in Kabuhayang Swak na Swak (2012)




Amy Perez: Kung kayo ay may talento, hindi niyo dapat ito itago. Gaya na lamang may ari ng CreatiVoices mula sa kanyang talent at maganda boses, Naisipan niyang magtayo ng ganitong negosyo. 

Sila ang mga boses na nasa likod ng ating kinagigiliwang telenovela o anime. 

Sila rin ang ating mga hinahangaang radio drama talents. Ang tawag sa kanila mga dubbers o voice over talents, pero alam niyo ba na may pera sa boses? Ito ang napatunayan ni Pocholo Gonzales ng CreatiVoices. Nagsimula bilang Voiceover talent at dubber si Pocholo noon ngayon siya na ang big boss ng CreatiVoices.

Sir Pocholo: Matagal na akong voice talent mahigit sampung taon na akong nagrerecording bilang isang radio drama talent.

(VO Sample) “Sa September Issue ng F Magazine, bilang isang commercial Voiceover, nakita ko yong potential ng voice over market dahil dito sa Pilipinas medyo hindi napapansin kasi mga voice talent eh pero sa totoo lang ang voice acting isa sa mga pinaka unang industriya, wala pa yang TV may Voiceover na.”

Amy Perez: Matapos ang higit sampung taong karanasan sa industriya, Naisipan niyang magtayo ng sarili niyang negosyo. Isang recording studio para sa mga Voiceover talents at dubber na kagaya niya.

Sir Pocholo: Ang mahirap kasi sa aming mga voice talent umaasa lang kami, we just wait and we don’t create. Now sabi ko bakit hindi ako magcreate and magcreate ng demand, magcreate ng project para sa mga kapwa ko voice artists.

Amy Perez: Bastat pagdating sa usapang pagboboses lahat pwedeng gawin ng CreatiVoices. Mula sa pagvovoiceover ng mga commercial sa mga radio drama, pagdadadub ng mga anime o cartoons at telenovela.

Sir Pocholo: “Dito sa Pilipinas sumusunod kami sa tinatawag na standard. Ang isang voiceover ay P15,000.00 to P30,000.00 pag sinabi mong voiceover siya ung boses ng particular na produkto. Ang character voicing naman yan yong mga character kunyari (oy! Bumili kana ng bagong producto namin) ganon ah P8,000.00 yong character, P15,000 naman sa voiceover”.

Sir Brian: Voice acting is not like that. kailangan meron kang emotions,may skills, may techniques, may arts kang natutunan para maideliver mo ng maayos yong message. Pinagaralan naming mabuti yan ni  Mr. Pocholo Gonzales through decades of our availing and industry training namin.so yong mga natutunan naming sa industriya. Inapply namin sa trabaho namin ngayon. Ang pinaka pundasyon ng aming kompanya ay ang mga talent. Karaniwan ang nangyayari sa mga talent nandyan ung nararamdaman nilang hindi sila nababayaran sa oras, nandyan yung nararamdaman nilang hindi sila sinisipot sa oras ng kausap nila, so yun yong binabago naming pinoproffesionalize naming yong industriya. Sabi naming sa kanila ang kailangan niyo representation. Kompaniya na magbibigay ng proper billing, magbibigay ng proper contracts and documents so dun ako papasok bilang marketing manager nito.

Amy Perez: Kaya’t ang payo niya sa mga Voice Talents kailangan mahalin at pagyamanin ang inyong mga talento.

Post a Comment

0 Comments